GLORIA PANAGUTIN! (Download Position Paper)
Gloria Panagutin, ‘Wag Patakasin!
Ika-15 ng Nobyembre tinangkang lumabas ng bansa ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Miguel Arroyo sa bisa ng Temporary Restraining Order ng Korte Suprema sa Watch List Order ng Justice Department para diumano magpagamot sa isang malalalang sakit subalit pansamantalang napigilan ito ng pag-aresto kay GMA sa kasong electoral sabotage.
Ang mga pangyayari sa nakaraang linggo ay naglinaw ng mga sumusunod:
1) May depinidong plano ang mga Arroyo na takasan ang mga nakasampa at napipintong isasampang iba pang mga kaso kaugnay ng mga mabibigat na krimeng plunder, paglabag sa mga karapatang pantao, pandaraya sa eleksyon at iba pang klase ng pang-aabuso sa poder para sa sariling kapakanan;
2) Nagamit ng mga Arroyo ang mabagal na pag-usad sa mga kasong isinampa laban sa kanila at ang mahina at di mapagpasyang galaw ng administrasyong Aquino na panagutin and mga Arroyo para makakuha ng ligal na tuntungan sa kanilang pagtakas;
3) Nakakakuha ng “inside information” at mga paborableng desisyon ang mga Arroyo sa Korte Suprema sa kalagayang ang malaking mayorya ng mga mahistrado ay appointees ni GMA kasama na ang kontrobersyal na midnight appointee na si Chief Justice Renato Corona;
4) Pansamantalang napigilan ang pagtakas ng mga Arroyo sa pamamagitan ng mga ligal na kontra-manyobra ni Justice Secretary De Lima at Comelec Chair Sixto Brillantes;
5) Malakas at nangingibabaw ang opinyong publiko laban sa tangkang pagtakas ng mga Arroyo sa pamamagitan ng TRO ng Korte Suprema at pabor sa hindi pagpayag ni Justice Secretary De Lima na makalabas sila sa bansa at pabor din sa arrest warrant na inilabas ng Pasay RTC para kay GMA sa kasong electoral sabotage.
6) Walang kredibilidad ang mga Arroyo sa kanilang istorya na gusto lamang magpagamot ni GMA sa labas ng bansa at babalik din siya upang harapin ang kanyang mga pananagutan.
7) Kumikilos na ang iba’t-ibang grupo at personahe na nagsampa ng mga kaso laban sa mga Arroyo sa DOJ at Ombudsman upang itulak ang maagap na pag-aksyon ng mga ahensyang ito. Ang Malakanyang ay nag-anunsyo na naghahanda ng mga dagdag pang kaso laban sa mga Arroyo at iba pang tiwali sa Administrasyong Arroyo.
Namumuo ang malaking laban para panagutin si GMA at FG.
Sa unang tingin, ang magkatunggali ay ang Malakanyang at ang mga Arroyo at ang pangunahing larangan ng labanan ay mga korte. Sa katunayan, ang talagang nagtutunggali ay ang kapasyahan ng mamamayan na papanagutin ang mga Arroyo sa kanilang mga krimen sa bayan at ang kagustuhan naman ng mga Arroyo na takasan ang kanilang mga pananagutan. Kung kayat ang pangunahing larangan ng labanan ay ang korte ng opinyong publiko.
Sa bahagi ng administrasyong Aquino, nakasalalay ang malaking bahagi ng kredibilidad nito sa pagtupad ng paulit-ulit na pangako ni Pangulong Aquino na papanagutin niya ang mga Arroyo at pupuksain ang korupsyon sa gobyerno. Obligado itong magpakita ng kongkretong resulta; hindi na sasapat ang mga pangako’t retorika.
Nasa pinakamahusay na pusisyon ang administrasyong Aquino – sa usapin ng mandato, awtoridad at rekurso – para usigin at papanagutin ang mga Arroyo. Pero makikita sa nakaraang mahigit na isang taon ang kabagalan at kakulangan ng kakayahan na mabisang kumilos sa sarili ng administrasyong Aquino.
Kailangang maging mapagmatyag at magtulak ang mamamayan na gawin ng Ehekutibo ang nararapat sa pag-uusig hanggang sa maparusahan ang mga Arroyo sa kanilang mga mabibigat na krimen laban sa bayan.
Kailangang bantayan ang iba’t-ibang klase ng mutual accommodation o pagbibigayan na maaaring maganap sa pagitan ng Malakanyang at ng mga Arroyo tulad nang nangyari sa nakaraang mga administrasyon.
Nakompromiso muli ang integridad at independyensya ng Korte Suprema sa tahasang pagpabor ng mayorya ng mga mahistrado sa panig ng mga Arroyo nang maglabas ito ng kontrobersyal at kaduda-dudang TRO. Habang may mga natatangay ng mandato at prestihyo ng Korte Suprema upang tanggapin nang pikit mata ang mga desisyon nito, marami din ang nagdududa sa pagiging patas ng Korte Suprema. Natatandaan pa nila na pinuno ni GMA ang Korte Suprema ng kanyang appointees at may track record ito ng paglabas ng mga desisyong pabor sa mga Arroyo tulad ng pagsabing ligal ang paghirang ni GMA kay Corona bilang Chief Justice bagamat patapos na ang termino niya bilang Pangulo.
Sasagarin ng mga Arroyo ang bentahe nila sa kasalukuyang Korte Suprema upang isabotahe at talunin ang mga kaso laban sa kanila. Subalit ang bentaheng ito’y meron ding hangganan: ang mapagbantay at aktibong pagsangkot ng mamamayan sa mga usapin sa loob at labas ng mga korte upang pigilan ang mga manyobra ng mga Arroyo at gawing mahirap ang pagbebenta ng mga kaso laban sa mga Arroyo. Mamamayan pa rin ang mapagpasya!
Panagutin ang mga Arroyo sa kanilang mga krimen laban sa sambayanan!
Itulak ang Malacanang na puspusang isampa ang mga kaso at usigin ang mga Arroyo!"
Hustisya para sa mga biktima ng pangkating Arroyo!
Hustisya para sa sambayanang Pilipino!
-------------
November 22, 10am- Supreme Court en banc session to decide on Mike Arroyo and Benjamin Abalos petitions for TRO against the DOJ-COMELEC Panel.
November 22, 2pm - Supreme Court Oral Argument on the Constitutionality of the DOJ Watchlist Order on former President Gloria Macapagal-Arroyo
1pm - Leaders to go inside the SC to attend the oral arguments
November 25, 8:30 am - Pasay RTC hearing on the petition for a Hold Departure Order on respondents of the electoral sabotage case
November 29, 2pm - Oral Argument on the Constitutionality of the DOJ-COMELEC investigating panel on the electoral sabotage in the 2007 elections case
December 9, 9am - Protest Action on the Arroyo's transfer to Veterans Memorial Medical Center
December 13 - Panagutin Convenors Dialogue with the Ombudsman
| Attachment | Size |
|---|---|
| Panagutin Unity Statement.jpg | 647.08 KB |
| Panagutin Unity Statement.pdf | 216.54 KB |
- Login to post comments
